Sunday, August 26, 2012

Garden

Ang klima ngayon dito sa Gitnang Silangan ay sobrang init, Kaya lagi namamatay ang mga tinatanim kong halaman. Pero di pa rin ako nawawalan ng pag-asa, nagtanim kami ng aking anak ng bulaklak sa dalawang paso. 





Ang mga tinanim namin ay carnation at zinnia, hindi muna namin nilalabas ng bahay dahil sobra pa ang init.  Maaaring sa susunod na buwan ay mag bago na ang klima at pumasok na ang tag-lamig. Sana naman ay maging tagumpay ang aming pagtatanim.

Tipid mode din ako ngayon, wala akong nagastos sa araw na ito. Magsisimula ako bukas gumawa ng budget at plano para sa month of September.


Napakasarap mamuhay ng simple.


smile :)



Saturday, August 25, 2012

Foot Spa Day

Habang naglilinis kami ng aking anak ng mga aparador, isa isa naming inayos ang mga laman nito. Nakita ko ang matagal ko nang nabili na foot soak, naisipan kong magrelax relax naman at para din matanggal ang mga kalyo ko sa paa.  Nang mag-umpisa ng maligo ang aking anak, ay inayos ko na din ang mga kakailanganin ko sa foot spa. Binabantayan ko maligo ang aking anak dahil sya ay limang taong gulang pa lamang, pero hinahayaan ko na syang mag-isa para matuto.


Sally hansen Foot Soak



Masarap ang pakiramdam habang nakababad ang aking paa, ginamit kong tubig ay medyo maligamgam. Nararamdaman ko na lumalambot ang aking paa, kasabay ng pagkuskos ko ng loofah. 15 to 20 minutes ko pinatagal sa pagkakababad ang aking paa, tapos ito na ay aking binanlawan.

Isang matipid at simpleng paraan ng pagrerelax sa ating mga paa. Hindi mo na kailangang magbayad ng mahal para malinis ang inyong paa. Kailangan lamang na isipin natin na may mga bagay na maaari naman nating gawin at di na ipagawa sa ibang tao at gumastos. 


napakasarap mamuhay ng simple

smile:)




Thursday, August 23, 2012

Magbaon tayo

Tipid mode.

Maaga akong nagising ngayon, naghanda ako ng baon para mas matipid. Hot chocolate, peanut butter sandwich and banana. Kung hindi ako magbabaon, makakagastos ako ng 10 to 20 riyals sa isang  araw.. Medyo mahal kasi ang pagkain dito, kaya dapat talagang magbaon. 


my baon today



smile :)















Tuesday, August 21, 2012

Munting Pangarap

Ano ang pangarap mong buhay? Isang marangyang pamumuhay sa siyudad o isang tahimik na buhay sa probinsya?



Napakasarap sigurong mamuhay sa isang tahimik na probinsya na kung saan pwede kang magtanim ng mga gulay at magalaga ng mga hayop. Malayo sa pulusyon at napakasariwa ng hangin.  Masyado akong naging abala sa pag babasa ng iba't ibang blogs tungkol sa pamumuhay ng simple. Ito ngayon ang aking sinusunod na tularan upang maging madali sa akin ang maka ipon ng pera at makabili ng pangarap kong bahay sa tagaytay.  


Sa ngayon dahil nandito ako sa gitnang silangan, limitado lamang ang aking magagawang paraan ng pamumuhay ng simple... hindi naman ako makakapagtamin dito ng mga gulay dahil sa sobrang init ng klima.. pero sinusubukan ko pa din ang pagtatanim ng mga halaman at bulaklak. Pinapangako ko lang sa aking sarili na hindi ako bibili ng kahit anong luho sa katawan at gagastos lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng katawan at pagkain. Ang ibang mga bagay ay maaari kong gawin o bilhin ng second hand. 

Ang aking damit naman ay tama na kaya ako ay nangakong hindi na muna bibili ng damit para sa aking sarili ngayong taon. 

Ginawa ko ang blog na ito para maging gabay at paalala sa aking sarili na hindi lamang sa pera at materyal na bagay sasaya ang tao.. kung tayo ay mamumuhay ng simple at naaayon lamang sa kinikita natin, nag-titipid sa paggastos at nagmamahal ng kalikasan, siguro wala ng mahirap na pilipino sa ating bansa o sa kahit saan mang lugar sila na nakabase.


smile :)




Monday, August 20, 2012

Ang Simula


 Napakahirap maging isang single parent. Ako ay isang mommy ng limang taong gulang na babae na patuloy na lumalaban sa pagsubok at hirap ng buhay. 25 years old ako nung ako ay nag-asawa ngunit hindi naging matagumpay ang aming pagsasama dahil nangibambansa ang aking mister, natukso, at iniwan ako at ang aking anak nung sya ay isang taong gulang pa lamang.

        Hindi ako nawalan ng pag-asa. Nagsumikap akong makahanap ng trabaho sa abroad at nangakong papalakihin ko ang aking anak na maging isang mabuting tao. Sa ngayon ay ako lang ang tanging inaasahan ng aking anak, walang binibigay na sustento ang kanyang ama at hindi na rin nagpakita ng kahit anong pagmamalasakit sa pinansyal, o pisikal sa kanyang anak.

        Sa ngayon, ay kasalukuyan akong nasa gitnang silangan, nakikipagsapalaran na magkaroon ng magandang buhay, makaipon ng pera, makapagtapos ang aking anak ng pag-aaral at makabalik sa pilipinas ng may maayos na pamumuhay na wala ng binabayaran na utang at loans.