Paano ba maging magtipid?
Nagsimula akong maging matipid noong pangalawang taon ko dito sa Middle East. Masyado akong naging magastos noong unang taon ko dito, siguro, natuwa ako dahil kaya ko ng mabili ang mga bagay na hindi ko kayang bilhin dati sa Pilipinas. Nagbakasyon ako at gumastos din ng malaki sa loob lamang ng isang buwan. Halos sagad lagi ang limit ng credit card ko at wala akong savings. Natutuwa akong mamili ng mga pampasalubong sa mga kamaganak at kaibigan, puro mga kilalang brands pa ang aking binibigay, subalit isang Araw nagising ako na hirap sa pagbudget ng sweldo Dahil sa laki ng kaltas ng bayad sa credit card. Doon ako nagsimulang magbasa ng mga blogs ng mga taong matagumpay na nakabayad ng mga utang Dahil sa matipid na pamumuhay. Natutunan ko ang iba't ibang paraan ng pagtitipid at isa isa ko Iyong isinasabuhay.. Mahirap pero napakasarap ng pakiramdam ng alam mo na darating yung Araw na bayad na ang lahat ng aking utang at may ipon na maiuuwi sa bansang kinalakihan.
Ito ang mga bagay na pinapraktis ko ngayon, Hindi na ako madalas kumain sa labas at natuto ng humindi sa mga imbitasyon na alam kong maglalabas ako ng pera, madalang na akong bumili ng damit unless kailangan talaga. At lahat ng bagong damit ay sa aking anak lamang na binibili ko sa tamang Halaga at sa sale. Naglilista ako ng mga kailangan bilhin pag maggogrocery. Nagtitipid ako ng tubig, nagluluto ng baon. Ilan lamang yan sa aking natutunan at patuloy pa akong maghahanap ng mga bagay na dapat Gawin upang lumiit ang aking mga gastusin.
Sa ngayon ay mayroon pa rin akong utang sa credit card at sisikapin kong mabayaran sa lalong madaling Panahon.
Napakasarap mamuhay ng simple
Smile : )
.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home