Wednesday, November 21, 2012

Mc Donald's coupon at 50 riyals

Maraming salamat sa mga mababait na taong nag bigay sa akin ng mga libreng coupon at 50 riyals na binigay sa anak ko.

.

Monday, November 12, 2012

Paano ba maging magtipid?

Nagsimula akong maging matipid noong pangalawang taon ko dito sa Middle East.  Masyado akong naging magastos noong unang taon ko dito, siguro, natuwa ako dahil kaya ko ng mabili ang mga bagay na hindi ko kayang bilhin dati sa Pilipinas. Nagbakasyon ako at gumastos din ng malaki sa loob lamang ng isang buwan.  Halos sagad lagi ang limit ng credit card ko at wala akong savings. Natutuwa akong mamili ng mga pampasalubong sa mga kamaganak at kaibigan, puro mga kilalang brands pa ang aking binibigay, subalit isang Araw nagising ako na hirap sa pagbudget ng sweldo Dahil sa laki ng kaltas ng bayad sa credit card.  Doon ako nagsimulang magbasa ng mga blogs ng mga taong matagumpay na nakabayad ng mga utang Dahil sa matipid na pamumuhay.  Natutunan ko ang iba't ibang paraan ng pagtitipid at isa isa ko Iyong isinasabuhay.. Mahirap pero napakasarap ng pakiramdam ng alam mo na darating yung Araw na bayad na ang lahat ng aking utang at may ipon na maiuuwi sa bansang kinalakihan.

Ito ang mga bagay na pinapraktis ko ngayon, Hindi na ako madalas kumain sa labas at natuto ng humindi sa mga imbitasyon na alam kong maglalabas ako ng pera, madalang na akong bumili ng damit unless kailangan talaga. At lahat ng bagong damit ay sa aking anak lamang na binibili ko sa tamang Halaga at sa sale. Naglilista ako ng mga kailangan bilhin pag maggogrocery. Nagtitipid ako ng tubig, nagluluto ng baon.  Ilan lamang yan sa aking natutunan at patuloy pa akong maghahanap ng mga bagay na dapat Gawin upang lumiit ang aking mga gastusin. 
 
Sa ngayon ay mayroon pa rin akong utang sa credit card at sisikapin kong mabayaran sa lalong madaling Panahon. 


Napakasarap mamuhay ng simple

Smile : )






Saturday, November 10, 2012

Goal- Save a million.... Go HOME

Matagal Tagal din na di ako nakasulat dito sa aking paboritong tambanyan.  Masyado Kasi akong naging Abala simula ng umalis ang mama at naiwan kami ng aking pinakamamahal na anak dito sa Qatar. Naging mahirap sa akin na mag asikaso Dahil nasanay ako na mag isa sa loob ng tatlong taon. Sa ngayon ay nakapag-adjust na rin ako at nakakagawa na ng aking mga libangan tulad nitong pagsusulat sa aking blog habang mahimbing na natutulog ang aking anak.  

Maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan, isa na dito ang paraan upang makaipon ako ng tamang Halaga na maari kong maiuwi sa Pilipinas at manirahan na doon ng permanente.  Ang aking Plano ay umuwi dun pagka graduate ng anak ko ng high school, na may ipon sa kanyang pangkolehiyo, at pang umpisa ko ng business na sarisari store. Nais ko din na may sapat na ipon na magagamit ko sa aking pagtanda.  Tinanong ko ang aking mga kasamahan sa trabaho Kung magkano ba ang dapat kong maipon, sabi nila, mag umpisa na ako ngayon upang makaipon ng Milyones... Hay napakahirap pa Namang maipon pero sisikapin ko... Kaya ang goal ko ngayon ay magtipid at mag ipon.. Sana ay maging mas magtipid ako ngayon kahit may batang mahilig magpabili sa mall. Sisikapin ko na turuan din ang anak.

    Napakasarap mamuhay ng simple..


Smile  : )