ANG MATIPID NA MOMMY
Wednesday, November 21, 2012
Monday, November 12, 2012
Paano ba maging magtipid?
Nagsimula akong maging matipid noong pangalawang taon ko dito sa Middle East. Masyado akong naging magastos noong unang taon ko dito, siguro, natuwa ako dahil kaya ko ng mabili ang mga bagay na hindi ko kayang bilhin dati sa Pilipinas. Nagbakasyon ako at gumastos din ng malaki sa loob lamang ng isang buwan. Halos sagad lagi ang limit ng credit card ko at wala akong savings. Natutuwa akong mamili ng mga pampasalubong sa mga kamaganak at kaibigan, puro mga kilalang brands pa ang aking binibigay, subalit isang Araw nagising ako na hirap sa pagbudget ng sweldo Dahil sa laki ng kaltas ng bayad sa credit card. Doon ako nagsimulang magbasa ng mga blogs ng mga taong matagumpay na nakabayad ng mga utang Dahil sa matipid na pamumuhay. Natutunan ko ang iba't ibang paraan ng pagtitipid at isa isa ko Iyong isinasabuhay.. Mahirap pero napakasarap ng pakiramdam ng alam mo na darating yung Araw na bayad na ang lahat ng aking utang at may ipon na maiuuwi sa bansang kinalakihan.
Ito ang mga bagay na pinapraktis ko ngayon, Hindi na ako madalas kumain sa labas at natuto ng humindi sa mga imbitasyon na alam kong maglalabas ako ng pera, madalang na akong bumili ng damit unless kailangan talaga. At lahat ng bagong damit ay sa aking anak lamang na binibili ko sa tamang Halaga at sa sale. Naglilista ako ng mga kailangan bilhin pag maggogrocery. Nagtitipid ako ng tubig, nagluluto ng baon. Ilan lamang yan sa aking natutunan at patuloy pa akong maghahanap ng mga bagay na dapat Gawin upang lumiit ang aking mga gastusin.
Sa ngayon ay mayroon pa rin akong utang sa credit card at sisikapin kong mabayaran sa lalong madaling Panahon.
Napakasarap mamuhay ng simple
Smile : )
.
Saturday, November 10, 2012
Goal- Save a million.... Go HOME
Matagal Tagal din na di ako nakasulat dito sa aking paboritong tambanyan. Masyado Kasi akong naging Abala simula ng umalis ang mama at naiwan kami ng aking pinakamamahal na anak dito sa Qatar. Naging mahirap sa akin na mag asikaso Dahil nasanay ako na mag isa sa loob ng tatlong taon. Sa ngayon ay nakapag-adjust na rin ako at nakakagawa na ng aking mga libangan tulad nitong pagsusulat sa aking blog habang mahimbing na natutulog ang aking anak.
Maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan, isa na dito ang paraan upang makaipon ako ng tamang Halaga na maari kong maiuwi sa Pilipinas at manirahan na doon ng permanente. Ang aking Plano ay umuwi dun pagka graduate ng anak ko ng high school, na may ipon sa kanyang pangkolehiyo, at pang umpisa ko ng business na sarisari store. Nais ko din na may sapat na ipon na magagamit ko sa aking pagtanda. Tinanong ko ang aking mga kasamahan sa trabaho Kung magkano ba ang dapat kong maipon, sabi nila, mag umpisa na ako ngayon upang makaipon ng Milyones... Hay napakahirap pa Namang maipon pero sisikapin ko... Kaya ang goal ko ngayon ay magtipid at mag ipon.. Sana ay maging mas magtipid ako ngayon kahit may batang mahilig magpabili sa mall. Sisikapin ko na turuan din ang anak.
Napakasarap mamuhay ng simple..
Smile : )
Maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan, isa na dito ang paraan upang makaipon ako ng tamang Halaga na maari kong maiuwi sa Pilipinas at manirahan na doon ng permanente. Ang aking Plano ay umuwi dun pagka graduate ng anak ko ng high school, na may ipon sa kanyang pangkolehiyo, at pang umpisa ko ng business na sarisari store. Nais ko din na may sapat na ipon na magagamit ko sa aking pagtanda. Tinanong ko ang aking mga kasamahan sa trabaho Kung magkano ba ang dapat kong maipon, sabi nila, mag umpisa na ako ngayon upang makaipon ng Milyones... Hay napakahirap pa Namang maipon pero sisikapin ko... Kaya ang goal ko ngayon ay magtipid at mag ipon.. Sana ay maging mas magtipid ako ngayon kahit may batang mahilig magpabili sa mall. Sisikapin ko na turuan din ang anak.
Napakasarap mamuhay ng simple..
Smile : )
Sunday, August 26, 2012
Garden
Ang klima ngayon dito sa Gitnang Silangan ay sobrang init, Kaya lagi namamatay ang mga tinatanim kong halaman. Pero di pa rin ako nawawalan ng pag-asa, nagtanim kami ng aking anak ng bulaklak sa dalawang paso.
Ang mga tinanim namin ay carnation at zinnia, hindi muna namin nilalabas ng bahay dahil sobra pa ang init. Maaaring sa susunod na buwan ay mag bago na ang klima at pumasok na ang tag-lamig. Sana naman ay maging tagumpay ang aming pagtatanim.
Tipid mode din ako ngayon, wala akong nagastos sa araw na ito. Magsisimula ako bukas gumawa ng budget at plano para sa month of September.
Napakasarap mamuhay ng simple.
smile :)
Saturday, August 25, 2012
Foot Spa Day
Habang naglilinis kami ng aking anak ng mga aparador, isa isa naming inayos ang mga laman nito. Nakita ko ang matagal ko nang nabili na foot soak, naisipan kong magrelax relax naman at para din matanggal ang mga kalyo ko sa paa. Nang mag-umpisa ng maligo ang aking anak, ay inayos ko na din ang mga kakailanganin ko sa foot spa. Binabantayan ko maligo ang aking anak dahil sya ay limang taong gulang pa lamang, pero hinahayaan ko na syang mag-isa para matuto.
Sally hansen Foot Soak
Masarap ang pakiramdam habang nakababad ang aking paa, ginamit kong tubig ay medyo maligamgam. Nararamdaman ko na lumalambot ang aking paa, kasabay ng pagkuskos ko ng loofah. 15 to 20 minutes ko pinatagal sa pagkakababad ang aking paa, tapos ito na ay aking binanlawan.
Isang matipid at simpleng paraan ng pagrerelax sa ating mga paa. Hindi mo na kailangang magbayad ng mahal para malinis ang inyong paa. Kailangan lamang na isipin natin na may mga bagay na maaari naman nating gawin at di na ipagawa sa ibang tao at gumastos.
napakasarap mamuhay ng simple
smile:)
Thursday, August 23, 2012
Tuesday, August 21, 2012
Munting Pangarap
Ano ang pangarap mong buhay? Isang marangyang pamumuhay sa siyudad o isang tahimik na buhay sa probinsya?
Napakasarap sigurong mamuhay sa isang tahimik na probinsya na kung saan pwede kang magtanim ng mga gulay at magalaga ng mga hayop. Malayo sa pulusyon at napakasariwa ng hangin. Masyado akong naging abala sa pag babasa ng iba't ibang blogs tungkol sa pamumuhay ng simple. Ito ngayon ang aking sinusunod na tularan upang maging madali sa akin ang maka ipon ng pera at makabili ng pangarap kong bahay sa tagaytay.
Sa ngayon dahil nandito ako sa gitnang silangan, limitado lamang ang aking magagawang paraan ng pamumuhay ng simple... hindi naman ako makakapagtamin dito ng mga gulay dahil sa sobrang init ng klima.. pero sinusubukan ko pa din ang pagtatanim ng mga halaman at bulaklak. Pinapangako ko lang sa aking sarili na hindi ako bibili ng kahit anong luho sa katawan at gagastos lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng katawan at pagkain. Ang ibang mga bagay ay maaari kong gawin o bilhin ng second hand.
Ang aking damit naman ay tama na kaya ako ay nangakong hindi na muna bibili ng damit para sa aking sarili ngayong taon.
Ginawa ko ang blog na ito para maging gabay at paalala sa aking sarili na hindi lamang sa pera at materyal na bagay sasaya ang tao.. kung tayo ay mamumuhay ng simple at naaayon lamang sa kinikita natin, nag-titipid sa paggastos at nagmamahal ng kalikasan, siguro wala ng mahirap na pilipino sa ating bansa o sa kahit saan mang lugar sila na nakabase.
smile :)